SOURCE: mga halimbawa ng duplo
Hello, welcome to Fixya!
Please can you rephrase your question in English?
Ang Lobo at ang Ubas
Minsan ay inabot ng gutom sa
kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya
ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog
na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili.
Lumundag ang lobo upang sakmalin
ang isang bungkos ng hinog na ubas
subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli
pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.
Nang mapagod na ay sumuko rin sa
wakas ang lobo at malungkot na umalis
palayo sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas
na iyon," ang sabi niya sa sarili.
2,006 views
Usually answered in minutes!
×